CLASS PROPHECY BSME 2016
Sa panulat ni JP Mayor
at itininig ni Ian Quiñones
Isang maliwanag at nakasisilaw na ilaw ang tumatagos sa malalabong salamin
ng aking mata ang ngayo'y banaag na banaag at wari'y humihigop sa akin
papalapit dito...
Angkas ako ngayon ng bisikletang serbis ko na nang higit limang taon ng
buhay ko sa kolehiyo. Alas sais na ng gabi, pauwi na sana ako galing
pagtyututor nang biglang magliwanag ang buong eskinitang dinaraanan ko. Isang
maliwanag at nakasisilaw na ilaw ang tumatagos sa malalabong salamin ng aking mata
ang ngayo'y banaag na banaag at wari'y humihigop sa akin papalapit dito.
Hinigop na ako nito ng tuluyan, sa ilang sandali dumilim ang paligid. Pagmulat
ko ng mata, may hawak na akong manibela imbes hawakan ng bike. Nagtaka ako,
nasa loob ako ng isang magarang sasakyan, at ako ang nagdadrive nito. Nasaan
ang bisikleta ko, anong ginagawa ko rito? Napadako ang aking paningin sa
dashboard ng sasakyan, at laking gulat ko ng makitang Feb 10, 2026. 9:30AM ang
petsa at oras na nakarehistro dito. Di ko mawari kung ano ang nangyayari.
Kanina'y sakay ako ng aking bike pauwi, ngunit sa isang iglap ngayo'y
nagmamaneho na ng isang magarang oto. Di ko natatandaan kung kelan ako natutong
magmaneho. Di ko kontrolado ang koordinasyon ng mga parte ng aking katawan,
wari'y may buhay ang aking mga kamay at paa na siyang nagmamaniobra ng manibela
at umaapak sa mga apakan. Habang nasa daan, napagmasdan ko ang mga 'di pamilyar
na establisiyemento at mga gusaling ngayon ko lang nakita. Sa kaliwa, may
nasulyapan akong isang motorsiklo, laking gulat ko nang makita ito, walang
gulong at lumulutang sa ere. Walang trapik, walang nakasusulasok na mga usok ng
sasakyan, wala na akong makitang jeep, puro high tech na. Napagtanto ko mula sa
sisidlan ng aking diwa, ako ngayo'y nasa mundong sampung taon sa hinaharap.
Alas onse na, di ko pa din alam kung san ako papunta, nang otomatikong
inihinto ng aking mga paa ang aking lambo at itinapat sa isang chinese
restoran. Di ko alintana, paa na mismo ang nagutom. Pagpasok ko, may sumalubong
sa aking isang chinito, paglingon ko laking gulat ng makilala kung sino ang
nasa harapan ko. Tangina! Si Come, ang chinitong may ari ng restoran. Nagulat
din siya, niyakap ako at kinamusta, simula ng mabagsak daw ako sa PPE, lumipat
ako sa Law School at dun nagtapos ng abogasya. Matagal tagal din daw na di nila
ako nakita simula nun. Attorney na ang tawag niya sa akin, tagapagtanggol kuno
mula sa mga mapang-aping propesor. Abogado na pala ako? Habang kumakain ng mga
makatulo laway na chinese foods, naikwento niyang naging saksespul ang bisnes
niyang lugawan nang makapangasawa siya ng isang intsik. Naging chinese restoran
ang dating maliit niyang gotohan. Required ang pagiging tsinito sa pag aasawa
ng intsik kaya ganito na itsura ni Come ngayon. Nabanggit niya na mayron na
itong limampu't limang branches worldwide, merong isa sa America na kung saan
ang pastry at head chef na gumagawa ng tikoy, siopao, atbp ay si Jonet Jan.
Doon na daw ito nanirahan kasama ang pamilya at nagbabakasakaling doon
matagpuan ang kanyang da one. Subalit nang malaman daw ni Dindo na nangibang
bansa si Jonet, nagpari na lamang daw si Jose dahil devoted naman siya kay
Lord. Dinamdam niya ang pag alis nito kung kaya't kasalukuyang Cardinal Father
Jose na ito sa Sorsogon.
Binuksan ni Come ang 3D 50inches Hologram TV na nakaposisyon sa gitna ng
restoran. High tech na talaga. Muntik na akong mabulunan nang makilala kung
sino ang nagbabalita, si Ruem, anchor na ng CNN. Ang dating campaign manager
tuwing School Elections, Anchor na ng isang sikat na foreign news channel.
Kasalukuyang ibinabalita niya ang nangyayaring kaguluhan sa Middle East. Sa
pamumuno ng United Nations Head Commander General Jake Gilana, napenetrate nila
ang base ng ISIS leader Jerbie Aldab Jurab sa hilagang teritoryo ng Syria. Nabigla
ako sa aking nalaman, dalawang kabatch ko ang ngayo'y nagpapatayan. Napanuod
din ni Come ang balita at di na nabigla, marami daw ang narecruit ng ISIS ng
nagkaroon ng malawakang pangrerecruit dito sa Pilipinas ang Islamic Extremist
Group na yun. Sumali daw ang mga Bits Boys nung una dahil ginusto naman nila
ang real life bakbakan at patayan na walang respawn na hindi naman sa DOTA
matatagpuan. Pero natira na lamang si Jerbie dahil tumiwalag din agad daw sa
grupong ISIS sina Jerome, Marlon, Roy, Renz, Gigants, Lau, Oro, at Ronn (to
follow sa baba ang prophecy nila). Naghiwa-hiwalay na daw sila ng landas
pag-alis nila sa grupo. Pumunta daw si Roy Ocfemia sa Singapore para
ipagpatuloy nila ni Clarisse ang Casino Royale Business nila duon; ang dating
rich kid nuon, mas rich kid na ngayon. Nag apply at nagtry-out naman daw si
Jerome sa NBA upang sundan ang yapak ng kanyang long lost brother na si Dwayne
Wade. Natanggap naman siya. Siya na ngayon ang pangalawang Pinoy na nakapasok
sa NBA. Nabanggit ni Come na ang unang Pinoy daw sa NBA ay si Charl Balbin na
nadiskubre ang galing ng isang NBA coach nang magkampyon sa 2021 FIBA World
Championship laban sa USA ang Gilas Pilipinas sa pamumuno ng Philippine Coach
na si John Carlo Burcer kasama ang mga assistant coaches na sina Jan Anthony
Clariño at Harmond Al Silo. Kasama diumano sana sa Gilas Pilipinas si Hernan
Perez kaso lang nagdecline siya kasi sa basketball, hindi lang height matter,
weight matter din. Nakapokus na lang siya ngayon sa lumalaki niyang pamilya, literal.
Ipinalipat ko ang channel. Ngayon naman, ang palabas ay Matanglawin. Laking
mangha ko ng makilala kung sino ang bagong host nito. Si Gian Galing.
Kunsabagay, mahihiya talaga si Kuya Kim sa dami ng alam ng batang yun. Sa
katunayan sabi ni come, sa dami ng alam ni Gian, inilathala na niya ito sa
makakapal na encyclopedia at almanac. Nang magcommercial break ang Matanglawin,
di ko sana makikilala ang mga endorsers ng Century Tuna na sina Jhon Patrick
Bola at Maricar Copino dahil fit na fit na sila ngayon. Sabi ni Come, yung
dalawa daw ang pinakaunang naging winner ng Biggest Loser Couples Edition.
Tinalbugan pa nila sina Anne Cortis at Derek Ramsay sa kasexyhan. Isa pang
commercial ang nakaagaw pansin sa akin. Isang modelo ng produktong pampaputi.
Si Cydric Mendoza ang pinakamagandang lalake sa balat ng lupa, walang halong
biro dahil nabanggit sa commercial, ang ngayo'y model endorser na ng Dr.
Alvin's Beauty Products. Inacknowledge ni Cydric si Mark Muñoz sa commercial,
bakit kaya? Pagkatapos kong kumain, niyaya na ako ni Come na maglibu't libot sa
buong Legazpi. Sakay ng aking lambo, tumungo na kami ng Legazpi. Nasa Metro
Manila nga pala kami nun, kaya babyahe pa kami ng Legazpi. Habang nasa daan,
may nakita akong pagkalaki-laking billboard ng naka 2-piece na isang modelong
pagkaganda-ganda, pagkaputi-puti, pagkasexy-sexy at pagkatambok-tambok ng dede.
Nabigla ako ng ipakilala sakin ni Come kung sino ang modelo. Si Karl Jethro
Asiado!!! Si Karl na mas kilala sa pangalang (insert name here) daw ang pinakaunang
transsexual na naging cover ng FHM. Diumano sabi ni Come, sa tulong ni Michael
John Belo at ng kanyang long lost mother na si Vicky, at ng mga Liposuction
Surgeon na sina Romeo Acta Jr. at Paolo Peranco, naoperahan si Karl upang
maging babaeng tsikading. Together, they all run the Belo Medical Group happily
ever after. (Ang undergarments nga pala na iniaadvertise diumano ni Karl sa
billboard ay gawa ng isang malaking clothing manufacturing company na
pagmamay-ari ni Ronald John Dometita. Lahat ng Bra Cup Sizes, A to Z meron
sila. Dede at tits ang pinuhunan ni Ronald para makamit ang kanyang tagumpay.)
Nagpatuloy kami sa aming byahe. Nagtaka ako dahil wala pang 4 oras nasa
CamSur na kami. Ganun daw talaga ang Skyway na dinaanan namin, may accelerating
effect at nitro plus ang concrete conveyor road kung kaya malaki ang dagdag na
bilis sa aming byahe. Pagdating namin ng sentrong Naga, may kumpulan ng tao sa
SM Right Wing Open Ground, oo mas pinalawak na ang SM Naga, mas malawak pa sa
MOA. Tumigil muna kami para makiususyo kung ano ang mayron. May napagtanungan
kaming isang bundat na pulis na may hawak ng banner na may nakasulat ng
BilaDub, si John Duns Ozaeta pala! Siya na ang Police Chief Superintendent ng
Naga. Nakilala niya kami at (minura). Nagkamustahan (kami). Nabanggit niya na
fan na fan siya nang loveteam na may Valentines Mall Show ngayon! Ang BilaDub!
Tandem ni Bilasano, Van Neil! at Yaya Dub! Sila na ang bagong kinababaliwan na
phenomenal loveteam nang kabugin ng kagwapuhan ni Bila si Alden Richards!
Chinika pa ni Duns na sa SM Left Wing Open Ground naman ay may Mall Show din
ang sikat na singer at youtube sensation na si Benjo Bueno. Matapos magchampion
sa MusDa sa ME Break 2016, naging viral sa youtube ang kanyang video 9 yrs
after. Kasama niyang magmall show si Vanilla Chokoleyt, isang sikat din na
singer na nagchampion sa Tawag ng Tanghalan. Si Lenton Binza! Kapwa
kamangha-mangha ang mga narating ng aming kabatch sa larangan ng showbizness.
Naitanong namin kay Duns kung kamusta na sila ni Janel? Going strong daw
(with their 5 kids! Hanep mawrag! Sa loob ng 10 taon nakalima na agad sila!) (option
# 1, Si Janel daw, ngayo'y nasa Business Trip sa New Zealand para mag invest sa
Cow Milk Industry na anduon. Matapos maging successful ni Janella Madrona sa
larangan ng pagbababoy at pagmamanukan, pinasok na din niya ang pagbabaka. Mas
pinursue niya ang Agriculture kahit na 3rd Placer siya sa ME Board Exam 2016.)(option
# 2, Nang maibenta ni Janel ang kanyang farm sa Kilicao kina Oliver at Renz, at
dahil may wings ang love ni Duns, pinursue na ni Janel ang career bilang
stewardees. Kasalukuyang siyang nasa ibabaw ng alapaap somewhere around the
world.) (Successful Ozaeta Family na ngayon sila). In partnership with her farm
ay si Oliver Cabria na may-ari na ng pinakamalaking Cockpit Arena sa buong
mundo na matatagpuan sa Mexico(pause), Mexico Pampanga. In partnership with
Oliver ay si Renz Rosales, na isa na ngayong sikat na artista gaya ng kanyang
kuya na si Jericho, ay pinapatakbo ang pinakasikat na Online Gamefarm Cock
Fight, isang online na sugal para sa mga adik sa sabong.
Inaya namin si Duns na sumama pero tumanggi siya. Umalis na kami papuntang
Albay. Pagdaan namin ng bandang Iriga, may nakita kaming Banner na may nakaimprentang
pamilyar na mukha. Si Rayvee Barba! May nakasulat sa banner na mga katagang
nagpapakita ng adbokasiya para sa mga katribo niya. Isa nang advocate at
activist si Rayvee laban sa Racial Discrimination na nangyayari sa mundo.
Mahirap maiparating sa mundo ang nais ng tribo dahil sila sila lang ang
nagkakaintindihan. (AHdpspgabcgeyahdbvhf). Madami ang nakadanas ng Racial
Discrimination nung nagkaklase pa kami sa BUCENG, lalo na si Gibran Botial.
Nalaman ko kay Come na napagpasyahang mangibang bansa ni Gibs nang hindi manalo
sa Ginoong Cagsawa 2016 at hindi makapasok pasok sa PBB. Sa kagandahang palad
naman, nanalo siyang Grand Winner sa BBB, Bombay Big Brother. Isa na siyang
sikat na Bollywood Actor.
Pagdating namin ng Polangui Centro, may nadaanan kaming mga nagzuzumba sa
tapat ng isang Fitnesse Gym na pagmamay-ari diumano ni Ryan Jhupet Sablaon.
Itinayo niya ang gym para sa mga highblood na gaya ni Beneth Colanza. May motto
na nakasulat sa dingding ng gym ni Jhupet na 'High Blood noon, Diet na ngayon'.
Kasosyo ni Boy Chino sa negosyo niyang ito si Paul Jude Rabajante na isang
health fitness advocate na din. Nakilala namin kung sino ang Fitness Instructor
at Health Expert na naglilead ng Zumba Lesson sa tapat ng Gym, si Beneth
Colanza, ang taong High Blood noon, high blood pa rin ngayon. Suking estudyante
diumano ng mga zumba lessons ni Beneth sina Marwin Colar at Glenn Marty
Gonzales Jr. Kung pag uusapan ang healthy living, nabalitaan ko kay Come na si
Marlon Valleser ang nangunguna rito. Mula ng pag-alis ni Marlon sa ISIS, naging
advocate na siya ng healthy living using military training exercises. Six
Footer na siya, simula ng mawalan ng appendix, tumangkad na siya ng tumangkad,
vegan at di na siya kumakain ng a20 pesos burger with softdrinks.
Medyo madilim na pagdating namin ng Ligao City, pagod na din ako kakadrive
kaya tumigil muna kami sa isang 5 star hotel na pagmamay-ari diumano ni John
Andrei Flor. May mga luxury hotels nang pagmamay-ari si Andrei nationwide. Sa
tulong daw ng bespren nitong Presidente ngayon ng bansa na si Jeffrey
Villanueva, naintroduce ang hotels niya sa mga foreign investors kaya naging
successful ang negosyo nito. Si Jeffrey ang pangalawang Presidente na sawing
sawi din sa pag-ibig, sumunod kay PNoy. Kasalukuyan siyang Dating with Liza
Soberano na pinakamagandang actress ngayon sa buong mundo.
Pagpasok namin sa hotel, sinalubong kami ng ngiti ng isang kilalang
receptionist. Si Alyssa Torres. Kay Alyssa diumano ipinagkatiwala ni Andrei ang
hotel niya sa Ligao. Nang makilala kami ni Alyssa, agad niya kaming binati.
Binigyan niya kami ng susi sa pinakaluxurious suite na mayron sila.
Pagpasok ng kwarto agad kong binuksan ang 30inches hologram tv bago
nagpahinga. Ayon sa balita, pinararangalan ang tatlong opisyal na nakasama pa ni
UN Head Commander General Gilana na sina 5 Stars General Earl Buemia, 4 Stars
General Aldrin Gonzalgo at 3 Stars Adrian Balbin sa pagsugpo sa pwersa ng ISIS
sa territory nito sa hilagang Syria. Diumano sabi ni Come, di nakapasa sa ME
Board Exam ang apat kaya nagsundalo na lang. Pinarangalan ng Pangulong
Villanueva ang apat sa kadakilaang pinakita hindi lang para sa bansa kundi pati
na sa buong mundo. Sa pagwawakas ng balita, nabanggit ng reporter ang kanyang
pangalan, 'Ako si Myla Maghanoy, Middle East Correspondent, Patrol ng
Pilipino'. Journalist/Reporter na pala si Ate Myls na nakadestino sa
nagdidigmaang mga bansa sa Middle East. Isa pang balita kung saan nabanggit ang
pangalan ni Mark Bodino. Ayon sa balita, nagdonate diumano si Atty. Bodino ng
20Million pesoses para sa pagpapatayo ng mga karagdagang selda sa Munti. Si
Mark Bodino na ngayon ang pinakasikat na abodago/pastor. Dahil sa dami ng
naipakulong niyang Drug Dealer, Pulitiko at at iba pang kriminal, nagkukulang
na ang kulungan sa bansa. Ayon kay Come, ang dating loveless at asexual na si
Jerry Ann Sumilhig ay ilang beses na ding naipakulong ni Atty. Bodino sa kasong
sexual harrasment. Kilabot na ngayon si Jerry Ann ng mga bading at babae,
kasalukuyan siyang non-showbiz suitor nina Kathryn Bernardo at Arci Muñoz.
Inilipat ko ang istasyon gamit ang air swipe remote control ng TV. Tungkol
sa Sports ang palabas. Kasalukuyang naglalaro ang Qatar at Pilipinas sa AFC
FIFA Qualifiers. Nakilala ko ang quarterback na si John Paul Mayor at ang
midfielder na si Rolando Lorente Jr. na kasama sa Philippine Azkals, pareho na
silang professional football players. Kung anong bansa ang mananalo sa buong
qualifying matches, ito ang maglalaro sa Agosto sa FIFA World Cup. Tiwala kami
ni Come na mananalo ang Pinas dahil mahusay ang Head Coach ngayon ng Philippine
Azkals na si Roberto Reblora Jr. Dahil sa kanya, 30th place na daw sa FIFA
World Ranking ang Pinas.
Inilipat ko ulit ang istasyon, sports pa din ang palabas. Ngayon, isang
Snowboarding Championship naman ang programa. Natigilan ako nang magrehistro sa
screen ang pangalan ni Meljohn Montiveros na may alyas na Black in White.
Professional Snowboarder na si Meljohn, astig. Nabanggit ni Come na marami na
daw talagang Health Conscious at Sports Enthusiasts ngayon sa batch namin after
10years. Si Ryan Gigante nga raw ay pumasok na sa pagkikick boxing, isa na
siyang MMA Fighter tulad ni Mark Muñoz. Umalis man si Ryan sa grupong ISIS,
nanatili pa din ang pagiging bayolente niya, kaya nahumaling siya sa kickboxing
at wrestling. Madami pa kaming kabatch ayon kay Come na pumasok sa larangan ng
Sports and Action. ((Adlib)Daming alam ni Come, dinaig pa ang kaalaman ni
Galing). Si John Mark Bas naman ay sumasali na daw sa mga Body-Building Contest
here and abroad. Produkto si Bas ng Fitness Gym ni Jhupet aka Boy Chino. Si Bas
nga daw ang naging host ng Biggest Loser na sinalihan nina Patrick at Maricar.
Si Revee Xavier Del Ayre naman ang Head Coach ngayon ng Women's Volleyball team
ng FEU. Mas pinili ni Rex ang magcoach sa mga babae dahil, alam na.
((Adlib)Marahil nagtatanong kayo kung nasan na si Jut ang maskuladong papi ng
Batch, itanong natin kay Come). Ayon kay Come, mataba na si Justine Sarmiento
ngayon. Nawalan ng oras maggym si Jut nang mapangasawa niya si Nicole. Isang Professional
sumo wrestler na ngayon si Justin.
Inilipat ko ulit ang istasyon. Lifestyle at Fashion naman ang palabas.
Nakilala ko ang finifeature sa programa. Si Adrian Advincula ay EIC na ng isang
Magazine na may title na 1001 Ways on Men's Grooming. Para daw sa mga
metikoloso ang magazine. Nafeature na one time sa kanyang magazine si Justine
pero ngayon ay hindi na dahil mataba na. Si Rose Marie Mariñas, na pinursue ang
kanyang modeling career at may sikat nang clothing line, ay judge pala sa
Americas Next Top Model, kasama niya si Tyra Banks. Kasalukuyang kasali sa
Americas Next Top Model, Girls And Guys, si Laurence Broqueza. Nagsimula sa
pagiging Mall Freelance Model, ngayon ay International nang rumarampa si
Laurence bilang modelo ng mga sikat na damit at underwears.
Alas Dyis na ng gabi ng maisipan namin ni Come na gumawi sa Centrong
Legazpi dahil maganda ang mga ilaw roon kapag gabi. Di din namin type ang
pagkain sa hotel. Laking gulat ko ng wala nang gulong ang Lambo ko, pati
sidemirrors. Tangina nanakawan pa kami kahit na nasa 5 star hotel parking lot
ang kotse. Agad naming kinausap si Alyssa ukol dito. Para daw masolusyunan ang
problema, nireto kami ni Alyssa kay Charlie Marcaida. He knows what we need. Si
Charlie ang nagsusupply ng mga auto spare parts sa mga car owners na nanakawan
ng side mirrors, gulong, mufflers, atbp. Siya din ang Top Supplier Auto Spare
Parts ng malaking Auto Company known worldwide nina Miguel Aldrin Balde at
Jesse Lopez, kahilera na nila ang Toyota, Honda, Mitsubishi sa laki ng Car
Company na meron sila. Sa katunayan, nakadeploy ngayon sa Main Branch nila sa
Dubai si Angelo Carlo Cells, ang agent na rason ng pagiging successful ng
kanilang kompanya. Tinawagan ng hotel si Charlie para ayusin ang problema, at
instantly within 30secs ay naruon na siya dahil sa likod lang pala ng hotel ang
store nito.
Pagkatapos supplyan ng mga nanakaw na auto spare parts, G na kami ni Come
para pumunta ng Legazpi. Dumaan na kami ni Come sa Skyway Ligao-Legazpi para
mas madali ang byahe. Mula ng maging Gobernador ng Albay si Antonio Lustina,
mas lalong umunlad at nakilala ang lalawigan ng Albay, natalbugan na nito ang
Cebu. Pinalitan ni Antonio ang dating project ng dating Gobernor na Albay Green
Christmas at ginawang Albay Yellow Christmas. ((Adlib)Bakit Yellow? Pakitanong
si Karl, siya nag-isip neto).
Walang sampung minuto at tanaw ko na agad ang mala-Las Vegas na syudad ng
Legazpi, punung puno ng ilaw at mga Casino, buhay na buhay sa gabi. Sa dakong
Legazpi Boulevard, natanaw ko ang isang Royal Cruise Ship na may nakasulat sa
gilid ng barko na Conde Alcaraz Royale. Nakadaong ang barko sa pampang ng
Boulevard at punung puno ng ilaw sa entrada na wari'y nang-iimbita sa mga
estudyanteng party-goers at casino lover na mag enjoy at magparty sa loob tuwing
stress sa exams at depressed sa kung anumang problema. Ang Cruise Ship/ Casino
Ship ay pagmamay-ari ng magbusiness partner na sina Mc Limuel Alcaraz at John
Ronn Condelusano. Sabi ni Come, inspired ang successful outcomings nila sa mga
alaalang nabuo sa Abbey Road, Havens, Puro Beerhouses, atbp. Wala na ngayon ang
Embarcadero, at ang dagat sa harap ng Emba nuon ay tinabunan na ng lupa para
iaccomodate ang mga bagong Casinos at Buildings na itinayo.
Isa sa mga Establisiyemento ay ang Comedy Bar kung saan nagtatrabaho si
Alfredel Lovino at Vincent Oro. Pareho silang stand-up comedienne. Ayon kay
Come, sikat na sikat si Alfredel dahil sa mga witty jokes niya. Tanging
matatalino ang nanunuod ng show nito dahil mahirap igets ang joke nito, dahil
witty nga. Si Vincent naman ay tipikal na Vice Ganda type of Comedienne. Sikat
din siya, ilang beses na ngang nagguest si Vincent sa mga shows ni Vice Ganda.
Naglibot pa kami ng Legazpi at natanaw namin bandang Ayala Mall ang isang
maliit na Clinic na pulang pula sa mga ilaw na nakalibot dito. Pinuntahan namin
yun at nalaman kung sino ang may-ari, si Jobelle Dilao-Dizon na happily married
na ngayon kay Reynaldo Dizon Jr. Nagtayo sila ng isang love clinic para sa may
mga sakit sa puso at problemang pam-pag-ibig. Mga love experts na kasi sila at
ayaw nilang may nasasaktan. Dahil kapag mahal ka, hindi ka sasaktan. Sa kanila
namin nalaman na ikakasal na pala si Cyrene Bue kay Jack Bornasal bukas. Hindi
man lang kami inimbitahan. Nalaman namin na lahat ng BSME 2016 kaya it will be
a major reunion for all. Naglibot pa kami ng ilang oras bago tumuloy at
nagpahinga sa hotel sa Ligao.
Kinabukasan, nag ayos na kami ni Come papuntang Albay Cathedral, duon ang
venue ng kasal. Pagdating namin ng simbahan, mga pamilyar na pagmumukha ang
nagkukumpulan sa entrada ng simbahan. Kung titignan mo sila, mukhang mapepera
na. Mayayaman na ang mga loko. Napansin ko ang isang gwapitong bondat na lalaki
at napagtanto na si Jude Reil Hondanero ito. Siya na raw ang bagong department
head ng Mechanical Engineering sa Bicol University. Para daw maipagpatuloy ang
gwapong nasimulan sa ME. Dahil hindi lahat ng gwapo nag-aartista, yung iba
Department Head ng Mechanical. Di ba, Sir Gene? Inilibot ko pa ang aking mata
sa kumpulan at nakita ang isang matangkad at pinay na pinay na babae, si
Meldren Samson, ang bagong representative diumano ng Gabriela. Namimigay siya
ng libreng PH Care sa mga kababaihan bilang kanyang advocacy. Sa sulok din ay
ang tatlong gwapito na sina Claude Joseph Deuda, Paul Locsin, Renz Ronatay na
pawang business partners na daw diumano sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya ng
minahan sa Masbate na nakapagmimina ng lahat ng elements sa Periodic Table. Ang
kanilang kompanya ang una at tanging nakakagagawa nito. Naagaw din ng isang
lalake ang aking paningin ng lumutang ito sa ere. Si Mark John Cañezo ay sikat
nang magician na kilala worldwide pero puro lang sa youtube ang kanyang mga
tricks. Pinapa-disappear niya pa rin si Patrick Docog. Kasama na rin sa mga
assistant niya sina Mark Jhordane Siocson at Russel Brian Brosas. At gumagawa
ng mga props niya si Jesper Allen Comboy. Sa gawing kaliwa naman napansin ko
ang mala Rizal sa hairstyle na si Dave Bellen, isa na daw itong
pastor/missionary na naglilibot sa buong mundo para ipaalam at alamin ang
kalagayan ng sansinukuban sa gabay at aral ng Diyos. Nagsidatingan na din ang
iba pang batchmates namin at nagkumpol kumpol na sa entrada para makuhanan na
kami ng litrato ni Erico Manaog na isa na ngayong successful pornographer este
photographer. Siya na ang naka kontrata ng year book ng buong BU dahil sa
frustration nang di siya nakapag-bid noong Oktubre 2015. Yan kasi, natcon pa
more. Meron din siyang sideline, nagcacast siya sa isang couch, driver siya ng
fake taxi at isang siyang public agent. Sa parteng kaliwa ko may napansin akong
magjowa na nagaakbayan, tangina si Miley Cyrus at Mark Dwayne Hao magsyota na,
5yrs at going strong na sila, plano na nilang magpakasal next year.. Dahil sa
kanyang viral video na twerk it like miley, pinagguest sa Ellen si Hao at duon
niya nameet si Miley Cyrus, niligawan niya ito at napasagot naman, mabait na
ngayon si Miley dahil kay Hao. Si Hao na din ang laging laman ng mga music
videos ni Miley. Ang Bespren ni Hao na si Jayson Sayson ay di daw makakarating
dahil may Taewondo Competition ito sa HongKong. Makukulong muna ito ng masipa
ang Chinese Prime Minister. May tumapik sa likod ko na isang lalake at pamilyar
ang kanyang pagmumukha. Si Deniel Ross Daep, na isa na ngayong professional car
racer. Ilang beses na siyang naging kampeon sa iba't ibang race worldwide.Pero
di pa rin siya nanalo sa race to a woman's heart.
Nagsipasok na kami ng simbahan para maghanap ng kanya kanyang pwestong
uupuan. Nakatabi ko ang pamilyar na kalokalike ni Michael Jackson na si Charles
Victor Abejuro. Kinamusta ko ito at naikwento niya na isang successful
businessman na siya. Dahil sa halos 24/7 na pagdodota sa Bits nuon, nalaman
niya ang pasikot-sikot ng negosyo nina Kuya Jep kaya naman binili niya yung
katabing lote ng Bits at nagpatayo ng sarili niyang Computer Shop. Dun
nagsimula ang kalbaryo ni kuya jep. Si Kuya Jep na ngayon ang kanang kamay ni
Abe sa kanyang sariling comp shop. At ngayon, inamin na niya na sa kanya pala
ang Boss Abe at Abe Road. Dun siya kumuha ng puhunan.
Dumating na ang bride, kay ganda ganda ni Cyrene sa suot niyang wedding
gown. Sila ang magpapatunay na may forever. Pareho na sila ni Jack musician. Sa
ngayon, may isang tsikiting na sila ngayon. Pero gusto ni Jack na isang grand
orchestra ang kanilang mga anak. That's what music can do. Magsisimula na ang
seremonya kaya dumating na ang pari. (Tangina). Laking gulat ko nang makilala
kung sino ang pari. Pagod na daw itong maging pogi kaya nagpari na lamang
kasama si Dindo,. Nung una, madaming nagsuicide na malalanding babae at bading
nang malaman yun, pero kalaunan, dumami na din ang nagsisimba ng dahil sa
kanya. Nagsimula na ang seremonya ng matiwasay. Lahat kami ay tahimik na
nakikinig sa misa ni Gab nang may dumating na isang pamilyar na pamilyar
pagmumukha. Si Ian Quiñones 2026 Version, dumating. Ako naman ang Ian Quiñones version
2016. Nabigla ang lahat. Lumapit ako kay Ian 2026 para kausapin ito, pero nang
makalapit na ako 2metro na lang ang pagitan, isang malaking pagsabog ang
nangyari, daig pa ang hydrogen bomb sa lakas. Ayon sa isang teorya, sasabog ang
dalawang nagtagpong magkaparehong indibidwal na pinaghihiwalay ng magkaibang
time event. Dahil sa pagkakalapit ng dalawa, nagkakaroon ng disturbance sa
stability ng atoms na siyang dahilan upang sumabog ito na malakas pa sa
hydrogen bomb. Boom! Sumabog ang lahat.
Nagising akong tulo laway sa aking upuan na binabayo ni Sir Borro, kanina
pa pala ako ginigising ng mga kaklase ko. Nagsorry ako kay Sir Borro. May klase
pala kami sa PPE, at nakatulog pala ako sa pagod at puyat sa paggawa ng thesis
ng gabi bago yun. Pinagmasdan ko ang aking mga kaklase, lahat ay may
ipinagbago. Ang dating mga nugnugin at dugyutin mga persyir, ngayon ay
makikisig at ang popogi na. Madami na ang pumuti, nagpafacial, tumaba. May
natitira pa din namang mga panget. Haha. Sa halos limang taon ko sa kolehiyo,
sila ang naging pamilya ko, kasama at kasangga sa lahat ng mga hirap at ligaya
na pinagdaanan namin. Isang buwan na lang at lahat tayo ay papaso na para
tanggapin ang pinakahuling completion paper ng kolehiyo natin, ang ginintuang
diploma na magpapatunay na nalagpasan natin ang lahat ng hamon ng pagiging ME
Student. Joke joke man ang mga prophecies na nabanggit, isa lang ang sinisiguro
ko, lahat tayo ay magiging Engineer sa Oktubre. Together we will make History.
Together, we'll be all successful in our chosen paths, no matter what, you can
rest assured that this batch, one happy family, will be helping each other to
achieve everyone's goals. Goodluck sa’ting lahat.