10/24/15

Walang Kwentang Tula

     Dahil boring ang sembreak, walang magawa si Paolo kundi mangalkal ng mangalkal sa baul. Eto ay isa lang sa mga nahalungkat niya, akda nung sekund yir hayskul siya. Isang walang kwentang tula tungkol sa pag ibig ang mababasa niyo, tula yan kaya boring basahin, wag maghanap ng iba!


Gunitang 'manaw sa Kahapon!

 John Paul M. Mayor

 Bigyang katuparan hiling sa bituing maningning;
 Pighati iwaksi't ibalik sa dati,
 Pinagsamahang kay tamis katumbas walang kaparis,
 Panahong pumanaw kanya lamang ginugol at pinagyaman.

 Uhaw kapwa sa maalab na pagmamahalan,
 Halikang simbolo ng aming pag-iibigan,
 Maghapong habulan sa dalampasigan masid sa alon ng buhay;
 Silay ng papalubog ng araw alintana sa papalapit na karimlan!

 Sinusulit bawat sandaling nananatili,
 Maningas ang kislap ng oras sa momentong nalalabi,
 Ninanais ako'y lagi sa kanyang tabi;
 Malingap ay mawala ng walang bakas man din!

 Hinuhungkat alaalang unang nagkita't nagkatitigan,
 Irapan at ilangan kailanma'y di maiiwasan,
 Anung kiliti sumibol sa sarili nitong mga himlayan;
 Bawat damdamin nag-alab nagising sa tawag ng mga pusong sabik sa kaligayahan.

 Sinunod wika ng mga sariling kagustuhan,
 Mga ibong nangagsiawit sa tamis ng pagsintahan,
 Nagkatuluyan, nag-ibigan, nagbunga ng lahing pinag-isa;
 Siyang mga prutas na maghihinog, itatanim, magbubunga sa makabagong puno'ng sagana!

 Lungkot balot ng kasalukuyang hinagpis ng pag-iisa,
 Pagtangis ng luhang bakas ng paghahanap ng kalinga,
 Abang awa sa sarili, napabayaan ng sariling katandaan;
 Ng pag-ibig na ngayo'y hukay ang pagitan!!!





Sem Break 2015

Time Check: 11:58 PM, 10/23/15

     Nasa harapan ng laptop nakatunganga nanaman, hinihintay matapos madownload yung porn, a este latest movies na mapagpapalipasan ng oras; yan ang tipikal na umaga, oo umaga ang gabi, gising na gising si Paolo kapag walang pasok, walang magawa kundi manuod ng porn, este pelikula magdamagan.
     'Isad na semanang warang isipon kundi magkaon, maturog, mag iling pelikula, maturog gilayun.' Hay! Salamat din at kahit papano, may break din sa mga pressure at stress na bigay ng mga walang kwentang prof! Bago man magsembreak e alam ko nang may bagsak nanaman akong grado, di na yun bago, mismo yung propesor walang pagbabago! Okay lang sanang magkaroon ng singko na may natutunan ka, kaso ang masama e, wala kang natutunan san ka pa! OO! Kasalanan ko din siguro, e sa tamad ako, wala kayong pake! HAHA paksyet! Nagtuturo din naman yung magaling na prof, kaso di epektib, low efficiency ika nga niya!
     Biernes ngayon, next week e daming magtitirik ng kandila, hindi dahil sa undas kundi dahil ilalabas na grades ng mga terror 'kuno' na mga propesor. Huwag na tayong umasa, pero ang himala ay nasa puso natin, at nasa utak ng mga propesor; kung ibabagsak ka na talaga nila, wag nang umasa! Allelujah! Pagpalain sana nawa kayo ninuman, ng Alien este ng Diyos! Marahil, makalusot ang iba, papano nanaman kaming umaasa na gagraduate ngayong Marso. -insert umiiyak na emoticon-
     Ayaw ko sanang isipin lahat ng yan, pero naiisip ko din kung pano ang magiging pamilya ko kung 'di ako makatapos, sigurado isang kahig, isang lamon ang bagsak neto! Kachat ko pa naman ngayon si darling, soon-to-be asawa; papano na lang ang pyutyur namin neto?
     Bura bura! Alis alis na muna mga negatib baybs. Sa ngayon, pagtutuunan ko muna si darling. Haha
      SemBreak na nga lang ang time na magkausap kami ng matagalan, ipagsasalungkot ko pa. Kahit papano, andyan siya ngayong bakasyon para icomfort ako, pawiin mga problema at ang stress ko sa skul. Boring man dahil walang magawa, pero stress-relieving pa din at masaya ang sembreak na to.



Nga pala, di naman pala talaga boring, nag Puputoshap-putushap din pag walang oras, nagpagdidiskitahan yung pogi kong litrato. Haha

Paolo Bungo



Paolo Balbas Sarado

10/22/15

Andar

 
Buhay Kalsada
 'Di na wari sa iba ang andar ng pagbabago. Lahat ay may tinatahak nang sariling daan sa kanilang pagtanda. Tayo mismo ay may kanya kanyang sasakyan patungo sa mga inaasam sa buhay. Karamiha'y nais ang karangyaan, pintadong awto kay wiling angkasan. Sa mga ordinaryo nama'y dyipni at traysikel ay sapat na. Kahalintulad ng buhay ng tao ang sasakyan, matulin, mahilig makipagsapalaran sa kalsadang naliligiran ng pagsubok, at higit sa lahat at anupama'y sa bandang huli siguradong may patutunguhan; ikaw na mismo ang magdedesisyon ng manibela mo at aapak sa preno kung kailan ka hihinto o magpapatuloy.
     Datapwat, bisikleta ang pinakamainam sa lahat, miminsanan lang ang makasagasa ng iba at magsagabal sa'yo. Ang andar ng bisikleta ay payak, sarili mong pawis ang mismong magpapaandar neto, lahat ng tinatahak mo'y mapapagmasdan ng madaming sandali, puhunan mo'y sadyang lakas at katawan lang para marating ang naisin; ganito ang pinakamainam na pantahak sa layon, pagpaguran at wag magmadali, maniguro sa bawat sandali upang maabot ang anumang minimithi.