Maulan nanaman yung Undas ngayong taon, malamig at mamasa-masa
nanaman ang puntod ng mga Mahal nating yumao. Sino ba ang hindi sainyo
tatamaring pumunta ng sementeryo kung aabutan mo lang naman duon ay putik-baha;
di ko naman nakakalimutan na kaya pumupunta roon ay dahil andun nakahimlay ang
mga yumao nating kamag-anak, pero mas ayos din sigurong magtirik muna ng
kandila sa bahay kaysa magkasakit dahil nabasa ka ng ulan. Saka pupwede namang
bisitahin ang puntod ng ating mga yumaong kamag-anak kahit di undas, pinauso
lang yang holiday na yan kaya nakagawian nang
bumisita ng karamihan e tuwing a uno ng Nobyembre. Di ko alam kung ano ang
istorya sa likod ng a uno ng buwang to, pero sa parehong gabi ng Undas nangyari
ang susunod na istorya.
Taong Dos Mil Onse, sa mismong gabi din ng Undas ay umulan ng
pagkalakas-lakas. Habang ang lahat ay abalang nagdadaos ng pista ng mga patay
ng gabing yaon, walang ni isa man ang nakaaalam na isang malagim na pangyayari
ang masisilayan kinabukasan ng lahat, mapapabalita at malalaman pati ng mga
karatig-bayan. Maliban sa mga puno't damong nakasaksi, wala nang iba pa ang
makapagsasabi ng kung ano talaga ang tunay na nangyari. Nang gabing yaon,
nangyari ang walang awang panghahalay at pagpatay sa isang binibining diumano'y
bumisita lamang sa isang kilalang kamag-anak. Makalipas ang apat na taon, di pa rin
nabibigyang hustisya ang pagkamatay ng nasabing binibini, di pa din tukoy kung sino ang demonyong gumawa ng krimen.
Taong 2012, Nobyembre 2 ng umaga, natagpuang patay si Laesybil Lim Almonacid, residente ng Purok 2, Sitio San
Roque ng Barangay Bascaran, bayan ng Daraga, Albay. Si Laesybil ay nasa
ikatlong taon na sana sa kolehiyo at kumukuha ng Accountancy sa Unibersidad ng
Bikol ng maganap ang krimen. Natagpuan diumano ang kanyang katawan sa damuhang
25 metro ang layo sa kanilang tahanan.
Kinondena ng buong probinsya ng Albay
ang walang awang pagpatay sa binibini na nabanggit. Hanggang sa ngayon, di pa
din nakakamit ni Laesybil ang hustisya sa nangyari. Di natin sigurado kung
patuloy pa rin ba ang imbestigasyon ukol dito, dahil apat na taon na din ang
lumipas, malamang ibinaon nanaman ito sa limot ng kinauukulan. Ganyan naman
lagi ang kalakaran ng Hustisya dito sa bansa, walang patutunguhan kapag 'di
malaking pangalan ang mga sangkot. Wari'y sana man lang kahit madakip na ang
suspek sa pagpatay sa kanya, matatahimik na ang kanyang kaluluwa.
REST IN PARADISE LAESYBIL LIM ALMONACID!
Justice will be served at the right time, if not by man, it
will be by HIM.
Thank you for joining Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page ;)
TumugonBurahinFor site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy
Thank you,
BNP
blogsngpinoy.com
Salamat Admin :D
TumugonBurahinAng sakit naman ng nangyari sa kanya.Sana mahuli ang salarin para iharap kay Duterte.
TumugonBurahin